God is good
itong mga panahon na ito, aaminin kong nasa critical period ang aking financial position. na-i-stress ang beauty ko dahil sunud-sunod ang gastusin. sa sept 3, ika isang taon na ng aking ever dependable na kotse. tingnan mo nga naman.. mag-i-isang taon na pala. mag-iisang taon na akong naghihigpit ng sinturon. kasabay ng pagsapit ng isang taon nya, kailangan ko sya ulit ipa-rehistro. at ang pinaka-importante rin sa lahat, due na rin para sa kanyang insurance. nakuuuu!!! bigla yatang dumami ang aking mga alagang uban. natataranta ang beauty ko sabayan pa ng mga bayarin na regular.
itong gabing pag-uwi ko, napansin ko na nasa critical period na rin ang aking petrol. tinitipid-tipid ko rin sana ang aking pag-konsumo ng gasolina. naka-program lang yan na dapat, ang isang kargahan ko ng gasolina ay tuwing first week of the month lamang. kaso kanina, nasa critical period na rin ang aking wallet pero mukhang di na aabot hanggang sa susunod na sweldo ang gasolina ko. nagdesisyon na akong dumiretso sa gasolinahan para magpakarga ng gasolina. pag ganito ring wala sa schedule ang pagkarga ng gasolina, kailangan kong maghigpit sa ibang bagay. alam mo na... wala naman akong overtime pay at wala rin akong ibang raket.
nakarating ako sa gasolinahan. may nauna sa akin pero nagbabayad na. nag-antay ako. medyo matagal-tagal ang nagbabayad. at pagbalik nya sa sasakyan nya, kitang-kita ng dalawa kong magagandang mata. ang gauge para malaman kung gaano karami pa ang gasolina mo (sorry ha? di ko alam kung ano tawag dun eh), nakita ko syang umakyat. tumaas ang metro ng basta na lang. dalawang araw ko ng napapansin na malapit nang masagad ang gasolina ko. pero dahil wala nga sya sa schedule, pinipilit ko syang paabutin hanggang next week. pero kaninang umaga, talagang hindi na sya aabot pa hanggang miyerkules. kaya itong paglabas ko nga galing ng trabaho, nag-desisyon na akong magpa-gasolina. pero nung nakita ko na umakyat ang metro, hindi na ako nagpakarga. nakasunod lang ako dun sa nauna sa akin. esep-esep ko, ano kaya ineesep sa akin ng nasa unahan ko. para eka siguro akong tanga at minadali ko sya eh hindi naman pala ako magpapagasolina. naisipan ko na lang ulit tumuloy na mag-grocery. hanggang sa makarating ako sa supermarket na medyo may kalayuan sa may gasolinahan, hindi pa rin bumababa ang metro ng gasolina. nasambit ko na lang sa sarili ko, tenk yu po Lord. it is something strange. ive been using this car for almost a year now pero ngayon lang nangyari itong ganitong magic. napapangiti ako sa loob ng kotse ko habang nagmamaneho. hindi ako makapaniwala pa rin sa nakita ko.
meron pang isang magandang himala na nangyari kanina. pero di ko pa muna sasabihin dahil baka maunsyami. alam mo naman ako. pag nae-excite eh nabubuta ang mga takbo ng pangyayari. kaya antay-antay na lang muna ako. pero ngayon pa lang, nasasabi ko na sa sarili ko, He doesn't fail me. God is indeed good! 
posted @
8/27/2004 11:45:00 PM |
|
september blues
pag-uwi ko kahapon, dinatnan ko ang dalawang sulat na naghihintay sa akin. yung isa ay galing sa diagnostic lab. nanghingi kasi ako ng kopya para hindi na ako pupunta sa doctor ko. ang layo kasi. yung pangalawa, medyo makapal. walang nakalagay sa sobre kung kanino galing. excited pa naman akong buksan. ang laman ng sobre? sulat galing sa ospital na syang mamamahala para sa aking radioactive iodine. hhmmm.. eto na po ang aking kinatatakutan.
sept. 8 - appointment ko sa endo
sept 11 - ihinto ko na daw ang pag-inom ng mga gamot ko.
sept. 16 (9:45am) - punta daw ako sa building 8 sa Oncology, Regional Blood and Cancer Service. ano ba ang oncology? tinanong ko si google. sabi ay "the study and treatment of cancer". hhmmmm... wala naman akong cancer sabi dati ah?
sept. 16 (2pm) - babalik daw ako sa hapon at dun na gaganapin ang pinaka hinhintay kong proceso na syang magpapabago ng takbo ng buhay ko, ang radioiodine treatment.
sept. 23 - umpisahan ko na daw ulit ang pag-inom ng gamot
nov 3 - babalik ako sa aking endo para siguro kapain nya ulit ang bukol
ang isang nakakatuwang proceso na pinagagawa sa akin bago dumating ang sept. 16 ay magpa pregnancy test daw ako. bakit kaya kailangan pa akong dumaan dun eh wala naman akong kakulakadiday dito sa nz? kumbaga eh, requirement sya talaga. as in, just do it. sabi kasi dun sa sulat:
"A negative result is mandatory for any woman who is menstruating and not had a tubal ligation even if single or without a partner"
eh tanong ko lang po. paano kaya kung lumabas eh positive? nakow! patay tayo dyan! eh bakit si mama mary, nagbuntis eh single naman sya?
ninenerbyos ako sa totoo lang. pero gusto ko na syang matapos. sabi ko na nga dati pa, sa lahat ng ayaw ko ay ang maghintay. sana na nga talaga, matapos na ito at maging normal na ulit ako. pero di ko naman sinasabi na abno ako ngayon ha? hindi kasi ako makakilos ng gusto ko. at sana lang din, dasal ko lang, wala sanang side effects akong maramdaman. kung meron man, yung makakayanan ko lang sana. natatakot ako sa mga naririnig kong kwento pati na sa mga nababasa ko. minsan nga, sabi ko na lang, mabuti pa yung wala akong alam para hindi ako ganitong ninenerbyos.
kaya mga kababayan! sa sept. 16 po! wag nyo akong kalilimutan.... sa sept. 16, huwebes! baka pwede po sanang mapa-extra sa inyong mga dasal. sabi nila kasi, pag daw marami ang nagsabay-sabay na nagdasal, lusut-lusot daw sa langit ang iyong panalangin. wish ko lang, take one lang sana itong aking RA iodine at walang side effects. sana po, paki wish nyo rin para sa akin. 
posted @
8/26/2004 10:43:46 PM |
|
tulog mantika
lately, hindi na ako nakakatulog ng diretso sa gabi. lagi akong nagigising ng mga dalawa hanggang apat na vezes sa buong magdamag. kagabi, este.. kaninang madaling araw, nagising na naman ako as usual. pagbangon ko na yun kanina, may nakitang akong message sa aking yahoo im. akala ko ay mas maaga pa nyang naipadala ang message. nung tingnan ko ang oras, aba? segundo lang ang pagitan. nalukring ako. ang tinding mag-mental telepathy nitong tao na ito. nag-chat kami kahit sandali lang. sundan pa ng aking isa sa nag-iisang masugid na tagasunod ng aking komiks. alam mo ba ang nangyari?
8:45am..... 8:45am na ako nagising ulit. tinamaan ka ng kidlat! napalundag ako sa kama. hindi ko narinig na nag-alarm ang aking alarm clock (syempre, mag-a-alarm nga eh di dapat alarm clock yun?) 9am ang umpisa ng trabaho ko. at ako ang magbubukas ng opisina ngayon. ang boss ko ay didiretso sa kabilang branch. josh koh! bigla akong parang naging turumpo sa kwarto ko. hindi ko malaman kung ano ang gagawin kong una. at isa lang ang naisip kong solusyon. utang na loob... wag kayong tatawa! .... pumasok ako sa trabaho ng hindi naligo. waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! yucky! por da pers taym in history, ngayon lang ako pumasok ng trabaho ng hindi naliligo. purbida! buti na lang at winter at hindi ako pinapawisan ng husto dito. hala, sige... wisik-wisik... wash muna pepe at palit ng panty. lishak na yan! 8:55am na. hindi ko na rin magagawang magbaon ng pagkain ko para sa lunch. hindi ko na rin nagawang mag tootbrush! hala, sige, suot ng pantalon at tatlong patong na pang itaas at ang aking jacket sabay bitbit ng bag at susi. buti na lang at malapit ang trabaho ko. kundi, baka nasisante na siguro ako sa sobrang late ko at kung kailan pa wala ang amo ko. ang bilis kong pinatakbo ang kotse. daan muna sa post office para kunin ang mga mails sa post box at lumarga na ako papuntang opisina. whew! 9:02am.
pero syempre, pagdating ko sa opis, dun na ako nag toothbrush. dun na rin ako nag make-up at nagwisik-wisik ng pabango. shucks! dyahe! di ko mapapatawad sarili ko na lumabas ako ng bahay ng hindi naliligo. waaaaaaaaaaaa!!!! nakakahiyaaaaaaaa!!!!
posted @
8/24/2004 10:53:50 PM |
|
another challenging year
o sya. natapos at natapos ang isang dapat ay napaka-especial na araw ng parang isang ordinaryong araw lang. sa pag-gising ko, syempre, isang panalangin ng pasasalamat sa Panginoon ang aking idinasal at ang munting hiling ay malagpasan ko lahat ng pagsubok ko dito sa nz. ang hirap rin pala ng nag-iisa. pero kahit paano, nung tanghali, bumili ako ng pagkain sa isang chinese take-away shop. umorder ako ng chow mein and pork bbq fried rice. hhmmm.. nakalagay sya sa isang tray. ang dami. kaso, walang kwentang kumain. di man lang kumuha ang boss ko. tipong wala syang ka-alam-alam o sadyang ayaw lang alamin na araw ng bday ko yun. nakuu!!! eh yun palang mga saksi ni jehovah eh hindi nagse-celebrate ng bertdey. kamatayan lang daw ang sine-celebrate nila. hhmmm...
ako lang ang nakaubos ng inorder ko sa chinese take-away shop. lunch, merienda, dinner. nabondat na ako ng handa ko. nung pag-uwi ko ng gabi galing sa work, gumawa na lang ako ng pasta... tanda ng pampahaba ng buhay. ay naku! sabado ng gabi, kinakain ko pa rin yang pasta na yan. ang hirap ubusin. luto mo, kain mo. wala eh. mag-isa lang ako. nakakatawa nga. nagluto ako nung gabi. pagkatapos naluto, pagod na ako. hindi na ako nakakain ng pasta kaya niligpit ko na lang. gara!
pagsapit ng gabi, isa ulit na pagsalamat ang aking nasambit. isang taong pakikipagbuno sa unos ng buhay ang naranasan ko. panibagong taon ang naghihintay ulit. dalangin ko na lang na maging masaya na ako... yung talagang masayang-masaya na wala na akong mahihiling pa. isang taon pa at sampung buwan ang hihintayin ko para makuha ko ang nz citizenship ko. ang hirap maghintay.
sabado ng umaga, balik ako sa diagnostic lab. nagpasipsip na naman ako ng dugo. hindi ako talaga masanay-sanay sa kirot ng karayom. napapapikit pa rin ako ng mariin. naka limang linggo na rin pala mula ng huli akong nagpunta sa lab. ang bilis talaga ng panahon. dapat kasi ay kada tatlong linggo ako nagpapakuha ng dugo. sumulat na rin ang doctor ko. in 4 to 6 weeks daw ay gaganapin na ang RA iodine treatment ko. hay naku! sana na nga ay matapos na ito. ay naku! ang hirap talagang maghintay noh?
posted @
8/22/2004 10:53:39 AM |
|
tenk yu... tenk yu.... *bow*
dumating na rin ang araw na ayaw kong dumating... ang araw na syang magpapabago ng aking edad. nakuuuu!!! tumanda na naman ako ng isang taon. kahapon lang, veinte otso lang ako. ngayon, veinte nueve na. nyaaaaaaaaaaaaa!!!!!
di ako makatulog. kanina pa ako nakahiga pero di ako makatulog. bakit kaya? kanina pa lang din ng umaga ng 18 ng agosto, may mga emails na akong natatanggap at may mga bumabati na ng isang haberdey. umaga pa lang, naluluha na ako. ewan ko ba. napakababaw ng luha ko. sobra ang aking pag-emote. ilan na rin ang natanggap kong mga mensahe na natural lang naman daw ang nararamdaman kong pag-emote lalo na sa mga gaya kong nakikipagsapalaran sa ibang bansa. at least, medyo gumaan-gaan ang kalooban ko. normal lang pala ako. akala ko ay nalukring na ako kaka-emote dito.
nag-alangan akong magpaalam sa bossing ko na hindi ako papasok ngayong huwebes. feel ko lang sanang mamaluktot sa kama o magpa-bondying-bondying. kaso lang kasi, nung lunes pa, hindi na ako nakapasok sa sobrang sakit ng ulo ko kakaiyak ng linggo ng gabi. baka nga kahit boss ko, di man lang alam na haberdey ko ngayon. pero sana, kahit 5pm man lang, makaalis sana ako ng maaga. ala lang. para lang ma-feel ko lang na special ang araw na ito kahit mag-isa ako.
salamat nga pala sa nagpadala ng napaka-gandang e-card na yan. nakuuuu!!! sabi ko na nga ba at maiiyak ako kaya ayaw ko pang buksan. maraming salamat sa lahat ng nakaaalala lalo na nung maaga-aga pa at marami nang bumati.
meron kayang maligaw na isang vase ng roses ngayon? mukhang matagal-tagal na akong hindi nakakatanggap nun eh. meron kayang magkamali? 
posted @
8/19/2004 01:00:24 AM |
|
nalulungkot ako....
ala lang.. medyo emote mode ako ngayon. kausap ko nanay ko kahapon. as usual, same old sermon naririnig ko. umuwi na daw ako. this time, i can't help but answer back at her. kung uuwi ako, anong buhay meron para sa akin pinas? noong andyan pa ako, mahigit isang taon akong walang trabaho. yun lang ang hirap sa pinas. ang lakas ng age discrimination pagdating sa hiring. dito, ni wala akong nabasang age requirements sa mga classified ads. basta't kaya mo ang trabaho at qualified ka, grab ka nila. sa pinas, kapag overqualified ka sa inaaplayan mo, di ka na nila entertain-nin. dito, kahit nagtatrabaho ka pa sa banko, at kung gusto mo pa ng isa pang job, basta't kaya mo, kukunin ka nila. kahit tatlong jobs pa.
hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko ang mga nangyayari sa akin dito sa nz. hindi ko sinasabing nagsisisi ako. i know, may plans si Lord para sa akin kaya ako nakarating dito. mahigit kalahati na ng taon. walang nangyayari sa akin dito. im not happy. ive never felt so unhappy like what im feeling right now. im all alone.... scared of what will happen to me on the day that i will undergo RA iodine. im so scared to death. i don't have anyone. i just feel so empty. para akong isang batang nagngangangawa dito. panay ang tulo ng luha ko. marami akong tanong sa sarili ko. wala akong makuhang kasagutan.
ang dami-daming gumugulo sa isip ko. with regards to work, i must admit im no longer happy. i dunno why im still holding on to my job. i spoke with marissa yesterday. i can't believe she's now getting more than what im getting. she got a temporary job in north shore (about 30-45 minutes away from the city) and she's getting a f*cking good sum of salary than what im having. to think she doesn't have any exposure with that kind of job that she got. i just feel like an idiot. the agency where she submitted her CV was asking for a referral from her. and she said she's been holding on to that dear referral form for me. oh.. i just love her!
ilang araw na lang, bertdey ko na. natapos at natapos akong sermunan ng nanay ko, ni hindi ko man lang narinig na banggitin ang bertdey ko at batiin ako. noong isang taon, martes ang bertdey ko. hindi pa sweldo nun kaya broke na broke ako nung bertdey ko. ngayon, buti na lang at lagpas na ng sweldo ang kaarawan ko. pero may nagbago ba? wala. mag-isa pa rin akong magse-celebrate. (kung magse-celebrate man ako) mag-isa.... oh... such a lonely word.... how come i don't get used to it?
i feel helpless. sa ngayon, wala akong magawa. hindi ako makausad. inaantay kong matapos na ang RA iodine na yan at ng makaungos na ako. ang laki na ng nawawala sa akin. eight f*cking months had passed. ganito pa rin buhay ko. ang dami kong napalagpas na opportunities dahil may iba sana akong plano. pero sa tingin ko, kakahintay ko, mabuburo yata ako at wala pa ring mangyayari sa kakahintay ko.
matapos lang ang RA iodine ko, i just want to move on. God help me.
posted @
8/15/2004 09:06:39 PM |
|
2004 olympics
wow!!!! napaka-"bonggeicious" naman ng opening ng athens olympics! bonggang-bongga ka 'day! wala akong masabi! pinaghandaan talaga!
16 lang pala ang mga pinoy na kasali sa olympics. sana ay may palarin namang may makapag-uwi ng gold. go, go, go, pinoy!
posted @
8/14/2004 11:43:52 PM |
|
perks of being over 40
kidnappers are not very interested in you. In a hostage situation, you are likely to be released first. No one expects you to run into a burning building People call at 9 p.m. and ask, "Did I wake you?" People no longer view you as a hypochondriac . There is nothing left to learn the hard way . Things you buy now won't wear out. You can eat dinner at 4 p.m. You can live without sex, but not without glasses. (i disagree!) You enjoy hearing about other peoople's operations You get into heated arguments about pension plans. You have a party and the neighbord don't even realize it. You no longer think of speed limits as a challenge. You quit trying to hold your stomach in, no matter who walks into the room. You sing along with elevator music. Your eyes won't get much worse. Your investment in health insurance is finally beginning to pay off. Your joings are more accurate meteologists than the National Weather Service. Your secrets are safe with your friends because they can't remember them either. Your supply of brain cells is finally down to manageable size. (i disagree!) Your can't remember where you got this list. (agree! i really forgot where!)
ay naku ha?? di ko naman sa inaamin na ako ay over 40 na ha? tutal, marami namang nagsasabi na "i don't look my age". o hindi paid ad yan ha sa totoo lang. ehehehehe... natawa lang ako ng makita ko 'tong perks of being over 40. at least eh, it pays naman pala. nyahahahaha!!!
posted @
8/13/2004 11:11:16 PM |
|
how to remove ring stuck on the finger
nakita ko lang yan dun sa referrer's list ko sa bandang ibaba sa kaliwa. aray ko.... medyo masakit yata yan at naghahanap ng lunas ang nag-google.
naalala ko tuloy nung minsang nag-uumiyak ako ng matanggal ang singsing ko sa aking palasingsingan. pababa na ako ng jeep at nakahawak ang kaliwang kamay ko sa estribo ng jeep. ewan ko ba naman at napakaraming borloloy nung jeep at binalutan pa ng malalaking lubid ang estribo ng biglang na-trap sa pagitan ng dalawang magkadikit na lubid ang aking singsing. syempre, nung nakita na ako ng driver na nakababa na, akma ng tatakbo ang jeep ng sumabit nga ang daliri ko. inangggg kupuuuuu!!! kulang na lang ay matangay ng jeep ang kaliwang braso ko. nagsisigaw ako syempre dahil naipit na nga ang daliri ko. buti na lang at huminto agad ang jeep. naku!! sa lakas ko ba namang tumili, isabay pa ang mga tili ng mga babae sa loob ng jeep at akmang tumatakbo rin ako na parang hinahabol ang jeep, syempre kasi dala-dala na nya ang kaliwang kamay ko. haaaayyyy!! ang sakit! pero syempre, medyo poised pa ako dahil nasa gitnang kalsada pa ako. buti na lang pagtawid ko eh andun na ang banko na papasukan ko. dali-dali akong umakyat papuntang cr. ang palasingsingan ko, nag-uumpisa ng mangapal sa sakit, pulang-pula na at nag-uumpisa na akong humikbi. pwera biro. masakit talaga! ayaw matanggal ang singsing. pinatuluan ko ng gripo ang kamay ko, ayaw lumabas ang singsing. nilagyan ko ng sabon, ayaw pa ring matanggal ang singsing. umaalsa na kasi ang paligid ng singsing at pulang-pula na. nag-uumpisa na akong mag-panic. pati na ang mga kasamahan ko sa banko, natataranta na rin sila. nag-uumpisa nang lumakas ang hikbi ko. umiiyak na ako. kung hindi lang nakakahiya, gusto ko nang magngangawa sa sakit. napakasakit talaga. ayaw ko ng maranasan ulit ang sakit na yun. araaaayyyy kupuuuuu!!! binuhusan ng baby oil pati na rin lotion at para kaming nakipag-tug-of-war. plok! ayun! natanggal rin. haaaaayyyyyyyyy!!!! bigla akong napaupo at nanlambot. ang sakit pa rin pero salamat na lang at natanggal na. dyaskeng jeep yun! kaya kada bababa na ako ng jeep, sinisiguro kong walang mga borloloy ang estribo! 
posted @
8/13/2004 10:49:09 PM |
|
takot ka ba sa multo (part 2)
naku! muntik nang matabunan ito at masyadong busy kasi ang lola.
eto namang kwento ko, first hand. kwento tungkol dun sa kapatid kong na-tsugi noong 1998. ive been blogging my eldest brother before as super mapagbirong tao at masayahing tao. alam ko nakwento ko na rin yung iba dati pa pero ikukwento ko kung anu-ano mga ginawa nya right after nang na-tsugi na sya.
1) just before na ma-tsugi sya sa ospital, siguro naglalakbay na ang kaluluwa nya, umutot sya sa harap ng mukha ng gf nya. bigla ngang nagising yung gf nya kasi mag-uumaga na nun at gumagayak akong umuwi sa amin.
2) during the wake, nag-aayos na ang mga ka-tropa nya ng mga upuan, mesa sa bahay ng kuya ko. pagpasok na pagpasok nila sa sala, biglang umandar ang ceiling fan na may lamp sa gitna na wala namang nagbubukas dahil umaga nun at maliwanag naman. nagkatinginan ang mga machong ka-tropa at una-unahang nagtakbuhan palabas ng bahay.
3) isang gabi habang pinaglalamayan pa rin kuya ko, biglang umilaw ang headlight ng kotse nya na naka-hazard mode at bumusina ng pagkahaba-haba ng wala namang tao sa kotse dahil nakaparada lang naman sya sa kalsada. flashback: nung itinakbo na daw sa ospital kuya ko after na nag-collapse sya, nalimutan daw mag hazard lights yung barkada nya na nagda-drive ng kotse ng kuya ko at may nag-cut pa daw sa kanila sa daan at nagkaroon pa daw ng argumento sa kalsada kaya lalong natagalan madala sa ospital ang kuya ko.
4) matapos nang mailibing ang kuya ko, naiwang mag-isa ang gf nya sa bahay nila at bumalik na rin kami sa bahay namin sa sta. cruz. may naglalakad daw sa first floor ng bahay kapag gabi na at pagtapat sa room nila, hihinto na ang footsteps.
5) habang nakahiga ang gf nya sa kama, naramdaman ng gf nya na biglang lumundo ang kama na para daw may umupo.
6) patay-sindi daw ang ilaw sa opisina ng kapatid ko. takot na takot daw ang mga kasamahan sa trabaho.
7) yung isang kaopisina ng kuya ko na bisor, umuuwi ng bahay kada lunch time. minsan daw, tumawad lang daw ng mga 5 minutes ang bisor at nanood pa yata or nakahiga sa may sala, bigla daw may nagpatay ng electric fan nila. sabi daw nung bisor, "oo na. papasok na ako." general manager naman kasi ang kapatid ko dun sa opisina kaya siguro feeling nya, buhay pa rin sya at pinapapasok na nya yung bisor dahil lagpas na ng breaktime.
8) nung bisperas ng pasko, doon kami nagpasko sa bahay ng kuya ko. syempre, walang tao sa bahay namin sa sta. cruz. yung kapitbahay namin, may naririnig daw silang maingay sa bahay namin at panay ang tunog ng paminggalan. meaning, may naghuhugas, or may nagkakainan daw. basta daw maingay daw sa loob ng bahay namin. sabi nung isang kapitbahay, "mukhang may okasyon kina manang, maraming tao" (tawag nila sa nanay ko manang. hindi po ako yun) sabi naman nung isang bata. walang tao kina manang. andun sila sa bahay ng namatay nyang anak. nagulat daw yung kapitbahay namin dahil di sya aware na namatayan kami. pagdaan nga daw nila sa tabi ng bahay namin, madilim ang kabahayan. ayun! nagtakbuhan na sila sa takot.
9) sa probinsya namin, umaabot ang pagpaparamdam ng kuya ko sa mga pinsan ko. panay daw patay-sindi ang mga ilaw at amoy kandila ang bahay nila. nung sinabi na daw ng isang pinsan ko na wag na daw magbiro at natatakot na sila, tumigil na daw.
10) noong pagkagaling sa libing ng kuya ko, umuwi na pabalik ng probinsya ang mga kamag-anakan namin. sa highway, bigla daw may narinig silang pumutok ng malakas at bigla silang nasubsob na lahat. na-flat tyre sila at muntik ng magpaikut-ikot ang sinasakyan nilang jeep. bigla daw silang nakaamoy ng bulaklak. either na-saved sila ng kuya ko? ewan.
ayan.. yan na lang muna at yan lang ang natatandaan ko. kwentong maligno, gusto nyo?
posted @
8/11/2004 10:29:08 PM |
|
finally....
matapos ang mapagbunong pakikipagtalastasan at walang patid na kaka-research, at walang humpay na panalangin na gawaran ako ng wisdom sa aking desisyon at sa tulong ni sis. nila na sya kong elder sa aking prayer community sa manila, nakapag-desisyon na ako. i will push thru with my radioactive iodine. once i say yes to my doctor, there's no point of turning back. it's final.
tumawag ako kay sis. nila kanina. mayroon rin daw kaming kasamahan sa aming prayer community na nag-undergo ng RA iodine. yung kanya naman ay may cancer na rin ang kanyang thyroid so she underwent RA iodine. she stayed in the hospital for one week at total isolation nga daw. ang pagkain daw nya ay iniiwan lang daw sa isang butas. as soon as pagkainom daw ng RA iodine, nagkaroon daw sya ng burning sensation. other than that, wala na daw syang naramdaman pang iba tulad ng pagsusuka. pero yung mga kasabayan daw nya sa ibang kwarto, naririnig daw nya na panay ang suka ng ibang pasyente. ang kanyang mighty weapon, prayers. bago daw nya ininom ang RA iodine, nagdasal daw sya at ini-lift kay Lord ang procesong gagawin at humingi ng patnubay. na-touched ako sa mensahe na iyon. siguro, minsan ay pumapalya pa rin ang faith ko na syang hindi naman dapat. nakagalitan pa nga ako ni sis. nila. wag daw akong negatibo at ialay lang lahat kay Lord.
tama nga. di nga ba Sya naman ang nagpapunta sa akin dito? at ngayon pa lang, nagkakaroon na ng kasagutan kung bakit ang bilis-bilis ng takbo ng mga papeles ko noon. may plano Sya para sa akin. darating pala ang pagkakataong ito na tingin ko, kahit sa pinas pa mangyari ito, mahihirapan akong matustusan ang gagastusin sa ospital. gumastos daw ng mga 20thousand pesos yung kasama ko sa prayer community para sa RA iodine pwera pa siguro ang hospital expenses. wala akong trabaho sa pinas at wala na rin akong health insurance. pero dito, sasagutin ng gobyerno ang RA iodine ko. isang bagay na dapat kong ipagpasalamat. tenk yu po, Lord! lahat ng papuri't pasasalamat ay ibinabalik ko sa Iyo.
posted @
8/08/2004 10:10:16 PM |
|
new zealand, the land of the long white clouds
para kay migs, at sa iba na na gustong magbakasakali na makarating ng nz, eto ang aking kwento kung paano ako nakarating dito sa nz.
taong 1999 buwan ng disyembre nang marinig ko ang tungkol sa nz. ni hindi ko nga alam kung saan syang banda ng mapa ng mundo.
may first cousin ako na may 12 taon nang naninirahan sa nz. nagpunta sya rito para lang umabay sa kasal at nag-desisyong mag tnt. inabutan sya ng amnesty at naging legal na ang kanyang paninirahan dito. dito na rin sya nakapag-asawa at ngayon ay may 2 anak, may ilang properties na rin at pinauupahan pa sa mga kiwis at may magandang trabaho bilang accountant ng isang malaking kumpanya dito.
umuwi sila ng dec. 1999 para maki-celebrate sa 50th golden anniversary ng kanyang mga magulang. at sa pagkakataon na iyon, doon kami nagkita-kita at kinumbinsi ako na pumunta ng nz at pagdating daw dito ay napakarami na raw opportunities. madali na lang daw pag andito na ako. pero may dalawang linggo na akong nakarating dito noong pebrero 2000, wala pa syang binabanggit tungkol sa "opportunities" na sinasabi nya. kusa na akong nagtanong at doon ko narinig na wala daw syang magagawa. para akong binuhusan ng malamig na yelo. ang laki ng nagastos ko para makipagsapalaran at nauwi lang pala sa broken promises. bumalik ako ng pinas na luhaan at may kimkim na sama ng loob.
pebrero 2002, may nabasang ad sa dyaryo nanay ko tungkol sa pagpunta sa nz. ewan ko ba sa nanay ko. para yatang sadyang gusto akong paalisin. pinabasa nya sa akin at nakita ko na isa yun sa mga naglipanang ads sa dyaryo na sinasabing aatend ka ng orientation achuchuchu at pag ikaw ay qualified, mapapapunta ka nila sa nz. sinabi ko yun sa nanay ko na maraming ganun. bakit daw di ko subukan. wala naman daw mawawala. tsk! tsk! tsk! nakakahalata na ako talaga. gusto na nga yata talaga ako ng nanay kong makaalis. di kaya kulang na lang ay palayasin ako sa amin? abril 2001 kasi ng mawalan ako ng trabaho sa banko. kaya kung baga, ako ay isang dakilang PAL sa amin.unti-unti nang nauubos ang perang nakuha ko sa aking "early retirement". (oist! bata pa ako ha? nag-offer lang ng early retirement program ang banko gawa ng mga merger-merger na yan)
tumawag ako sa immigrations consultant sa takdang araw na mismo ng mga scheduled dates na nakalagay sa dyaryo. puno na daw at ini-schedule ako ng marso. sabi ko ay hindi pwede at kailangang isingit nila ako bukas na bukas rin. (taray ba?) eh di isiningit nga ako at dumating daw ako ng alas dos at pag sinabi nyang pumasok ako sa loob, pumasok daw ako agad. ahahahaha!!! para naman akong isiningit na hindi magbabayad. natawa lang ako. pero sige na. pasok na kung pasok.
in-assess ako ng consultant. kulang ako ng wan powents para sa passing mark na 25 points nung panahon na yun (feb. 2002) pwede pa rin daw ako makarating ng nz on a job search visa. meaning, darating ako sa nz na tourist visa at maghahanap ng employer na magbibigay sa akin ng job offer para sa karagdagang powents ko. kailangan ko daw ibigay ang mga chuvachuchu na mga dokumento ko mula transcript of records, birth certificate, hanggang employment contracts, job descriptions, at mga anik-anik pa. hindi ko sinabi na may kamag-anak ako sa nz. gusto kong makabalik sa nz on my own at malaman ko kung ako ay qualified na manirahan rito. may isang pinoy akong nakilala noong nakarating ako rito nung unang vez at ako raw ay kanyang tutulungan once na makarating ako ulit ng nz.
nang ma-isubmit ko lahat ng mga papeles, wala na akong ginawa. ni hindi ako nag-follow up sa consultant. wala lang. katwiran ko, kung may balita, itatawag nila sa akin. may kaibigan ako sa banko na sumabay sa aking mag-apply. sya pala ay tawag ng tawag at nakikibalita sa status ng kanyang mga papeles. hanggang ngayon, nasa pinas pa rin sya at di na yata makakaalis at isasauli na ang pera nya. makaraan ang anim na buwan mula ng ipinasa ko ang mga papeles ko, tumawag sa akin ang sekretarya na pagka-aga-aga ng isang araw ng sabado. naturalmente, tulog pa ako. bigla akong nagising ng nabosesan ko ang sekretarya. siguradong may ibabalita. tinatanong ako kung kailan ko daw gustong umalis. bakit kako. pilit akong tinatanong, kailan ko daw gustong umalis. bakit nga kako? may maganda ka bang ibabalita sa akin? approved na daw papers ko. at doon nag-umpisa na tinagurian nila akong "babaeng pinagpala". ako daw yung cliente nila na ni hindi man lang daw nag-follow up. at sa loob lang daw ng anim na buwan, na-aprubahan ang papeles ko. gayong may mga nauna pa raw sa akin na hindi pa rin daw lumalabas ang resulta. dali-dali kong ibinalita kay mader dir ang balita. ala lang. cool lang nanay ko. ewan ko ba. wala man lang ka-eksa-excitement sa katawan yun. hindi ko alam kung natutuwa rin ba sya o hindi. ang una ko lang narinig sa kanya, "o? baka pagdating mo naman sa nz, wala kang preno sa mga tsokolate dun?" patay tayo dyan. ehehehe....
ang pagkakapunta ko sa nz ay masasabi kong pure luck na may kahalong sandamukal na panalangin. malaking bagay ang nagawa ng pagdarasal ko. sabihin na nating kahit na ako ay gumradweyt sa isang catholic school, hindi naman ako ganun ka-relihiyosa. pero sa pagkakataong ito, nailabas ko yata ang mga natatago kong "halo" sa aking ulo at nagmistula akong isang manang sa pagbubuo ng labinlimang misteryo ng rosaryo, pati na ang chaplet of divine mercy at samahan pa ang nakaka-antok na stations of the cross na kung minsan pa ay tatlong ulit ng stations of the cross ang aking binubuno. lahat na yata ng mga nakatago kong prayer books ay naglabasan sa baul para sa isang mataimtim na labanan sa panalangin. ang dasal ko, kung ano ang Kanyang will para sa akin, doon ako. ituro lang Nya sa akin ang tamang landas sa panibagong buhay na aking tatahakin.
natanggap ko ang visa ko ng nov. 4, 2002. yung hapon na yun, tinawagan ko ang pinoy na nagsabing tutulungan daw akong makahanap ng trabaho pagdating ko ng nz. di ko makontak. busy ang celfone nya. dial ako ulit. busy. diskumpiyado ako sa tunog ng busy tone. pinakinggan ko ulit ang busy tone. patay! tipong disconnected ang linya at hindi engaged. tinawagan ko ang kamag-anak ng pinoy na yun. di na daw nila alam kung nasaan mula nang umalis sa kanila. ang huling baraha ko. ang lumang numero kung saan dating nakatira itong pinoy na ito. ang verdict, wala na ang pinoy na tutulong sa akin. umuwi na daw ng pinas ng oct. 31. kulang na lang ay maglupasay ako sa hinagpis. ano ang gagawin ko? yung pinoy lang na yun ang inaasahan kong tutulong sa akin. naawa yata yung mama sa kabilang linya. ano daw ba ang usapan namin. sa awa yata sa kakahikbi ko, nasambit na lang nung mama na hindi daw sya nangangako na matutulungan ako pero mas madali na lang daw kumilos kung ako ay nasa nz na. sya na rin ang susundo sa akin sa airport at pansamantala, doon na rin muna ako maninirahan sa kanila. wag na daw muna akong magproblema sa panggastos. nakaluwag ako ng hinga. matuk mo bang ang madadala ko na lang pera ay NZ$300? naka-ilang cancel ako ng flight. at sa bawa't pag-cancel ko, unti-unting nauubos rin ang perang nakalaan sa pag-alis ko. tumatakbo ang mga araw, nababawasan ng nababawasan ang pambaon ko. kaya dec. 3, nag-desisyon ako. aalis na ako ng dec. 11. pag pinalagpas ko pa ang dec. 11, baka NZ$100 na lang ang madala ko. ang bilis ng pera sa pinas. nakakatakot!
dec. 11, alas cinco ng hapon, sa pag-take off ng eroplano, pumatak ang luha ko sa unang pagkakataon. hindi ko alam kung ano ang buhay na naghihintay sa akin sa nz. ni hindi ko kilala kung sino ang susundo sa akin. wala pa rin akong kasiguraduhan dahil visitor's visa lang ang hawak ko. paano kung hindi ako makahanap ng trabaho? paano kung mag-expire ang visa ko? paano kung mapa-extend pa ulit pero hindi pa rin ako makahanap ng trabaho? pag nangyari iyon, i have no choice. kailangan akong bumalik ng pinas at mabale-wala lahat ang mga perang naibayad na sa consultant at airfare. but then again, at the back of my mind, i know it was God's will. Sya ang nagpagalaw lahat ng mga papeles ko para ako ay makaalis patungong nz. and i know, hindi Nya ako pababayaan dahil alam Nyang nag-iisa lang ako na tatahak sa landas na ipinagkaloob nya. i lift it up to you, Lord. at nakatulog na ako na may luha sa aking mga mata. kaya pag-gising ko, ano ang tawag sa luhang natuyo? eh di muta! bwaaaaaaaahaaaaaaaaa!!!!!!
posted @
8/05/2004 11:35:31 PM |
|
happy birthday to me
haberdey to me haberdey to me haberdey, haberdey....
haberdey to me..... 
naks! nakakatuwa naman. as early as today, may bumabati na agad ng haberdey sa akin. tats naman ako kahit mali ang araw. naku.... ano na nga ba? ilang taon na ba ako sa haberdey ko? ayaw ko nang isipin pa. basta ang alam ko, bata pa ako. ehehehe... aside from the fact (with emphasis sa "t") that i don't look my age, i know.... pretty pa rin ako (sabay ilag sa kidlat) compared sa mga kasing-edad ko lalo na yung mga ka-batch ko nung high school.
ano ba? dapat na ba akong ma-praning? dapat na ba akong kabahan at ako ay hanggang ngayon ay singgol pa rin? wala naman akong napi-feel na ganun. yun nga lang, kapagka ganitong mga okasyon, medyo feel kong may makasama. nung isang taon, bukod sa wala pa akong pera, wala pa akong makasama sa araw ng aking haberdey. ngayon, wala pa rin akong pera, wala pa rin akong makakasama sa araw ng aking haberdey. so? ano ang pagkakaiba? wala! eh di ba dapat sanay na ako? siguro nga ay sanay na ako. (naku, Lord, wag nyo naman po akong sanayin ng ganito, taun-taon....)
lately, tahimik ang lablayp ko di ba? di ka ba nagtataka? sabi nila, kapag daw ang dagat ay tahimik, ito ay mapanganib. bwaaaahahahahahahaha!!!! basta, sabi ko lang kay Lord, "tenk yu po, Lord".
posted @
8/03/2004 07:36:47 PM |
|